sta. mesa… lugar kung saan matatagpuan ang sintang paaralan pero sa mga MATATANDA, kilala rin ang lugar bilang old sta. mesa (ibinagay sa kanilang edad at amoy) hindi ko rin alam kung meron new sta. mesa na tinatawag. 
 
sm sta. mesa –  (sabi ng lolo ng kapit-bahay ko, quezon city daw siya. sabi naman ng lolo ng tsismosang nanay ng katulong ng kaklase ko, san juan daw siya. pero sabi naman ni manong bulaan, ayon sa lolo niya ay maynila daw iyon kaya nga tinawag na sm sta. mesa
 
 Photobucket
 
v.mapa –  kamag anak kaya siya ni ate v o kapatid ni jao mapa? suggestion ko pwedeng palitan nang pangalan ang naturang kalye ng “lumanog street” dahil sa bawat sulok o kanto ay may makikita kang nakasabit na gitara. (magkakamag-anak kaya ang bawat may-ari ng tindahan)?
 
 Photobucket
 
patok – hindi ito (pantyserye) fantaserye… ito ay hango sa totoong buhay… dito ka makakakita ng mga jeep na lumilipad. mga sasakyang malakas magpatugtog at kapagnapa-upo ka malapit sa speakers, ang puwet mo ay parang binabayo. 
 
 Photobucket
 
traffic – dahil sa mga buwakanang inang barker kaya lalo nang nagkakabuhol-buhol ang traffic. daig pa nila ang mga pulis kung makahuthot sa driver at konduktor. kapag nagkamali ka at hindi magbigay ng “tong” malamang mumurahin ka nila at sisigawan.
 
Photobucket
 
pero kapag uwian na at tapos na ang klase… dito masarap tumambay kung naghahanap ka ng masasakyan…
 
 Photobucket
 
 
Photobucket
 
 
 (ang mga naturang larawan ay kinuha sa flickr.com nang walang pahintulot sa may-ari)